Mga Serbisyo para sa Kabataan at Nakababatang Nasa Hustong Gulang

Pangangalaga para sa mga nakakatandang bata

Para sa mga Nakababatang Nasa Hustong Gulang Lamang – Ang Youth and Young Adult Clinic ay matatagpuan sa Family Health Center. Pinaglilingkuran namin ang mga nakababatang nasa hustong gulang na pasyenteng nasa edad na 12 hanggang 25 taong gulang ayon sa appointment.

Mga Serbisyo para sa Kabataan at Nakababatang Nasa Hustong Gulang Mga Lokasyon

Mga Appointment sa Family Health Center

995 Potrero Avenue
San Francisco CA 94110
Building 80 | 1st Floor, 5th Floor

Mga Oras

Sarado sa umaga ng Una at Ikatlong Huwabes kada buwan

Family Health Center na Klinika na Hindi na Kailangan ng Appointment (Para sa mga kasalukuyang pasyente lamang)

995 Potrero Avenue
San Francisco CA 94110
Building 80 | 1st Floor, 5th Floor

Mga Oras

Huwebes: 1:00pm - 3:00pm
Biyernes: 1:00pm - 3:00pm
Sarado sa unang Huwebes ng umaga kada buwan

Pribado at Kumpidensyal

Nagsasagawa kami ng pagsusuri para sa STI (hal., chlamydia, HIV) at paggamot. Kami ay nagrereseta at tinutulungan ang mga taong pumili ng paraan ng birth control, maglagay ng mga IUD at birth control implant (nexplanon). Nagsasagawa kami ng pagsusuri sa pagbubuntis, nagre-refer para sa mga serbisyo sa aborsyon at pag-ampon, at nagkakaloob ng pangangalaga bago ang panganganak. Ginagamot namin ang depresyon at pagkabalisa. Nagkakaloob kami ng pangunahing pangangalaga para sa iba pang mga alalahanin sa kalusugan tulad ng taghiyawat, hika, pinsala mula sa sports, at pagsusuri ng katawan para sa sports.

Tinatanggap ang Bawat Isa

Maaari naming matingnan ang sinuman maliban kung mayroon kang insurance ng Kaiser. Maaari ka naming iparehistro para sa coverage program dito para hindi mo na kailanganing bayaran ang mga serbisyo. Laging kumpidensyal ang aming mga serbisyo.

Mga Serbisyo ng Youth and Young Adult Clinic

Ang mga pasyenteng nakababatang nasa hustong gulang ay laging tinatanggap sa Family Health Center sa mga regular na oras ng klinika.
  • Pagsusuri sa STI (hal., chlamydia, HIV)
  • Paggamot sa STI
  • Birth Control
  • Pagsusuri Kung Nagbubuntis
  • Pagpaplano ng pamilya
  • Pangangalaga Bago Manganak
  • Mga Serbisyo sa PrEP (pre-exposure prophylaxis)
  • Paggamot sa Depresyon at Pagkabalisa
  • Paggamot sa Taghiyawat
  • Mga Pinsala sa Sports
  • Pangangalaga sa Hika
  • Mga Pagsusuri sa Katawan para sa Sports
  • Pangangalaga na Pinapatibay ang Kasarian

Mga Serbisyo ng Youth and Young Adult Clinic

Tinatanggap ang bawat isa. May mga tauhan kaming nagsasalita ng mga wikang ito.
  • Ingles
  • Spanish
  • Cantonese

At maaari rin kaming magkaloob ng mga interpreter na may mahigit 23 wika.