Espirituwal na Pangangalaga

Espirituwal at Emosyonal na Suporta

Naghahandog kami ng pangangalaga sa maraming espirituwal na pananampalataya para sa mga pasyente, kanilang mga mahal sa buhay, at tauhan.

Narito ang aming mga Chaplain para sa iyo. Ikaw man ay relihiyoso, espirituwal, agnostiko, o ateista. Ang aming mga Chaplain ay sinanay para suportahan ang mga tao sa iba’t ibang pananampalataya at mga taong walang pananampalataya.

Alamin pa ang tungkol sa Sojourn Chaplaincy at sa aming programa sa aming website dito.

Narito ang mga Chaplain Upang Suportahan Ka sa Oras ng Iyong Pangangailangan

Humiling ng Chaplain

Upang humiling ng pagbisita ng Chaplain para sa iyong sarili o sa iyong mahal na buhay, i-dial ang extension *68500 mula sa telepono ng ospital. O hilingin sa iyong nurse na tumawag. Mula sa labas ng ospital, maaari mong i-dial ang: 415-206-8500.

Pagbisita ng Chaplain: Ang Aasahan

Narito ang aming mga chaplain upang handugan ka ng emosyonal at espirituwal na suporta. Agad pagkatapos mong makipag-ugnayan sa amin, tatanggap ka ng pagbisita mula sa isang miyembro ng aming team ng espirituwal na pangangalaga. Makikipag-usap ka sa isang sinanay na chaplain na naroon lamang upang makinig at maghandog ng mapagmalasakit na suporta. Sasanayin sila upang suportahan ka at pumaroon sa kung anuman ang nasa puso mo. Paminsan-minsan ay maghahandog ang mga chaplain ng nakapagrerelaks na ehersisyo sa paghinga. O maaari silang maghandog ng ginagabayang meditasyon o pagdarasal. Maghahandog lamang sila ng isang bagay na para sa iyo ay mapagsuporta. Narito kami dahil alam naming minsan ay mahirap mamalagi sa ospital. Paminsan-minsan nakapagpapadali ang pagkakaroon ng mapag-arugang presensya.

Ang Prayer and Meditation Room

Ang aming Prayer and Meditation room ay mapupuntahan para magamit ng 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Ang Prayer and Meditation room ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Building 5, sa kanto lang mula sa cafeteria.

Makukuha ng mga Muslim na bisita ang mga prayer rug. Upang humiling na maihatid sa iyo ang prayer rug, mangyaring kumatok sa 2C5, na nasa tabi ng prayer and meditation room (silid para sa pagdarasal at meditasyon), o tumawag sa *68500.