Pagtatalaga ng Estudyante sa ZSFG

Ikalulugod ng Zuckerberg San Francisco General Hospital at Trauma Center (ZSFG) na magkaloob ng mga oportunidad para makibahagi ang mga estudyante mula sa San Francisco Department of Public Health (SFDPH) na kaakibat ng mga pang-akademikong programa sa mga pag-aaral na nagbibigay ng karanasan sa ospital.

Tinitiyak ng Department of Education and Training (DET) na ang misyon ng organisasyon ay natutugunan ng paghahandog ng mga oportunidad sa pagsasanay at edukasyon upang suportahan ang nagpapatuloy na kultura ng pag-aaral.

Tungkol sa Proseso

Ikaw man ay estudyante, faculty, paaralan, o potensyal na preceptor ng ZSFG, mangyaring repasuhin ang mga sumusunod na impormasyon upang masimulan ang proseso ng pagtatalaga ng estudyante.

  1. Hindi maaaring mailagay ang mga estudyante sa anumang lokasyon o programa ng San Francisco Department of Public Health (SFDPH), kabilang ang campus ng ZSFG, nang hindi muna ipinapatupad ang Memorandum of Understanding (MOU) sa Kasunduan sa Pagsasanay ng Estudyante. Ang mga MOU na ito ay naaangkop sa lahat ng ahensya at programa ng SFDPH at pinamamahalaan ng Contracts Management at Compliance Office ng SFDPH, hindi ng mga indibidwal na ahensya o programa ng DPH.
  2. Para sa kasalukuyang listahan ng mga aktibong Kasunduan, mangyaring tingnan ang Inaprubahang Listahan ng mga Paaralan at Programa.
  3. Kung ang paaralan o pang-akademikong programa ay wala sa Inaprubahang Listahan ng mga Paaralan at Programa, ang program coordinator ng paaralan o iba pang kinatawan ay maaaring kumpletuhin ang Student Placement Agreement ng programa upang masimulan ang proseso ng pag-apruba.

Mangyaring tandaan, ang proseso ng pag-apruba ay maaaring abutin ng hanggang 3 buwan o mas matagal pa pagkatapos matanggap ang nakumpletong form.

Mangyaring Tandaan

Ang pagtatakda ng Kasunduan sa SF DPH ay hindi ginagarantiya ang oportunidad sa pagtatalaga sa loob ng ZSFG. Isinasaalang-alang ng ZSFG ang maraming salik upang malaman ang aming kakayahang bigyan ng akomodasyon ang mga pagtatalaga ng estudyante at ang mga salik na ito ay sinusuri kada semestre. Ang University of California at San Francisco (UCSF) ay may hiwalay na proseso para sa pamamahala ng mga pagtatalaga ng medikal na estudyante. Makipag-ugnayan sa UCSF Medical Education Department para sa higit pang impormasyon.

Sa kasalukuyan, ang ZSFG ay HINDI maaaring bigyan ng akomodasyon ang anumang bagong kaakibat na programa para sa RN, NP, at PA.