Mga Serbisyo ng Outpatient na May Espesyalidad na Parmasya

Mga Pangangailangan sa may Espesyalidad na Gamot

Pinaglilingkuran ng aming team ng May Espesyalidad na Parmasya ang mga pasyente ng ZSFG na may mga kumplikadong sakit na nangangailangan ng mga espesyal na gamot. Ang mga may espesyalidad na gamot ay maaaring mas kumplikadong inumin o ibigay. Maaaring mangailangan ang mga ito ng partikular na pagtatabi. Maaaring walang stock sa retail na parmasya.

Nakikipagtulungan kami nang husto sa iyong mga doktor sa iba’t ibang klinikang may espesyalidad ng ZSFG upang matugunan ang iyong mga pangangailangan sa gamot.
Kabilang sa mga ito ang mga klinika ng dermatology, rheumatology, endocrinology, pulmonology, at oncology.

Kami ang pinalawak na serbisyo ng umiiral na outpatient na parmasya ng ZSFG.

Mga Serbisyo ng Outpatient na May Espesyalidad na Parmasya Mga Lokasyon

Outpatient na May Espesyalidad na Parmasya

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 5 | 1st Floor

Mga Oras

Lunes: 9:00am - 8:00pm
Martes: 9:00am - 8:00pm
Miyerkules: 9:00am - 8:00pm
Huwebes: 9:00am - 8:00pm
Biyernes: 9:00am - 8:00pm
Sabado: 9:00am - 1:00pm

Mga Serbisyong Aming Inihahandog

  • Mga paalala sa refill
  • Libreng paghahatid ng gamot sa loob ng San Francisco, kabilang ang mga naka-refrigerate na gamot.
  • Pagsasanay sa kung paano mapapangasiwaan ang iyong iniksyong gamot.
  • Mga regular na follow-up na tawag para sa gamot
  • Paunang awtorisasyon at suporta ng insurance
  • Tulong sa pag-enroll sa mga programang tulong sa pasyente

Nagkakaloob Kami ng Naka-personalize na Pangangalaga sa Pasyente

  • Ipinapaliwanag kung paano makakatulong ang gamot sa iyong kondisyon.
  • Nagbibigay ng edukasyon kung paano mo iniinom ang iyong gamot.
  • Nagpapaalala sa iyo kapag kailangan mo na ng refill.
  • Tumutulong sa pamamahala ng mga side effect.
  • Sinasagot ang mga tanong tungkol sa iyong mga gamot.
  • Naghahandog ng iba’t ibang serbisyo ng interpreter.
  • Pakikipagtulungan sa iyong mga provider sa mga may espesyalidad na klinika sa ZSFG

Pag-pick-up at Pag-deliver

Pagkuha ng Reseta:

Mga Araw ng Lunes hanggang Biyernes 9:00 a.m. – 8:00 p.m., Tuwing Sabado 9:00 a.m. – 1:00 p.m.
Sarado Tuwing Linggo

1001 Potrero Ave Building 5 — Unang Palapag
San Francisco, CA 94110

Ang Paghahatid ng Inireresetang Gamot ay available sa San Francisco.

Telepono: 628-208-6815

Mga Madalas Itanong

Narito ang ilang karaniwang tanong.

Ang may espesyalidad na gamot ay mas kumplikado kaysa sa regular na gamot na kinukuha mo sa isang retail na parmasya. Maaaring mas kumplikado itong inumin o ibigay. Maaaring mangailangan ito ng espesyal na pag-iimbak at pangangasiwa. Maaaring hindi ito naka-stock sa retail na parmasya. Ang mga may espesyalidad na gamot ay karaniwang mamahalin at ginagamot ang mga kumplikadong kondisyon tulad ng psoriatic arthritis o systemic lupus erythematosus.

Kami ang pinalawak na serbisyo ng outpatient na parmasya ng ZSFG. Nagkakaloob kami ng may espesyalidad na pangangalaga para sa ilang kumplikadong gamot. Ang aming mga dedikadong tauhan ng May Espesyalidad na Parmasya ay naghahandog ng iba’t ibang karagdagang serbisyo upang suportahan ang iyong ligtas na paggamit ng mga may espesyalidad na gamot. Kabilang sa mga ito ang mga tawag na paalala sa refill at follow-up sa gamot, pagsasanay sa iniksyon, at libreng paghahatid ng mga gamot sa loob ng San Francisco. Direkta rin kaming nakikipag-usap sa pamamagitan ng mga medikal na rekord sa iyong mga provider sa ZSFG upang mapahusay ang iyong pag-access sa mga may espesyalidad na gamot.

Nakakontrata kami sa karamihan sa mga insurance sa San Francisco Bay Area. Kung ang iyong insurance ay nag-aatas ng paggamit ng partikular na parmasya, ililipat namin doon ang reseta at makikipag-ugnayan sila sa iyo.

Upang humiling ng refill gamit ang numero ng reseta, tumawag sa 628-206-8107 sa anumang oras.

Upang direktang humiling ng refil mula sa mga tauhan ng May Espesyalidad na Parmasya, tumawag sa 628-206-6815, Lunes – Biyernes 8:00am – 4:30pm

Ang outpatient na parmasya ng ZSFG ay maaaring magbigay sa iyo ng libreng sharps container (lalagyan ng matutulis na bagay). Kapag puno na, maaari mong ibalik ang nakasarang sharps container (lalagyan ng matutulis na bagay) sa outpatient na parmasya ng ZSFG at bibigyan ka namin ng bagong lalagyan na walang laman na maiuuwi mo.

Mga Mapagkukunan para sa Outpatient na may Espesyalidad na Parmasya