Mga Serbisyo ng Oncology

Pangangalaga para sa Cancer

Nagkakaloob kami ng kumpletong pangangalaga sa cancer na pinangungunahan ng aming team ng mga doktor sa UCSF. Nagkakaloob kami ng nagkokonsulta at nagpapatuloy na pangangalaga para sa iba’t ibang kalubhaan ng sakit sa dugo at mga solidong tumor.

Mga Serbisyo ng Oncology Mga Lokasyon

Oncology Clinic

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 80 | 6th Floor, Ward 86

Mga Oras

Martes: 8:30 am - 12:00 pm
Miyerkules: 8:30 am - 12:00 pm

Tungkol sa mga Serbisyo sa Oncology ng ZSFG

Ang outpatient na Klinika ng Oncology ay pinatatakbo ng dalawang kalahating araw kada linggo (Martes at Miyerkules ng umaga) at ang mga tauhan ay isang team na mula sa maraming disiplina at kultura na kinabibilangan ng mga provider (faculty, klinikal na fellow, at nurse practitioner), nurse, social worker, phlebotomist, medikal na assistant, klinikal na parmasyutiko, receptionist, at tauhan para sa pagiging karapat-dapat.

Maaaring pumunta ang mga pasyente sa Oncology clinic upang masuri ng 5 araw/linggo.

May Espesyalidad na Pangangalaga sa Cancer

Cancer sa Suso

Ang aming komprehensibong operasyon at paggamot sa suso at nagkakaloob ng pinakamahusay na paggamot at pangangalaga sa kalusugan ng suso.

Suporta sa Pasyente sa Pamamagitan ng Aming C.A.R.E. Program

Ang C.A.R.E. Program

Kaalaman, mga Mapagkukunan, at Edukasyon Tungkol sa Cancer

Idinisenyo ang C.A.R.E. Program upang tulungan ang aming mga pasyenteng may cancer na makakuha ng edukasyon, suporta, at tulong na kailangan sa panahon ng paggamot. Sa 6 na linggong seryeng ito, matututunan mo ang tungkol sa sakit, makakapagbahagi ng impormasyon sa ibang mga pasyente, at makakakuha ng mga magagamit na tip at istratehiya.

Mas Mabuti Tayo Kapag Sama-sama

Ang dyagnosis na cancer ay binabago ang iyong buhay sa mga makapangyarihang paraan. Nais naming tiyakin na hindi mo ito pinagdadaanan nang mag-isa. Kada linggo, ang mga tagapangasiwa ng grupo at panauhing tagapagsalita ay gagabayan ang diskusyon at mga aktibidad. Bukod dito, masisiyahan ka sa libre, masustansya, masarap na pagkain!

Makakuha ng Tulong para Tumigil sa Paninigarilyo

Programa ng Pagtigil sa Paninigarilyo

Tulungan ang Tobacco Free Stop Smoking Program ng ZSFG na maisakatuparan ang layuning pangkomunidad nito para sa San Francisco na malaya sa sigarilyo – at maging malusog sa prosesong ito. Naghahandog kami ng mga libreng klase sa araw at sa gabi para sa Pagtigil sa Paninigarilyo.

Impormasyon Tungkol sa Cancer