Mga Pagtatalaga para sa mga Estudyante sa mga programang hindi nauugnay sa Nursing

Ang mga estudyante ay mga indibidwal na naka-enroll sa isang inaprubahang pang-akademikong programa na may kasalukuyang programa ng pagtatalaga sa San Francisco Department of Public Health. Kabilang sa mga programang ito ang, ngunit hindi limitado sa, nursing, rehabilitasyon, pangangasiwa ng kalusugan, pampublikong kalusugan, radiology, at nutrisyon. Mangyaring tandaan na ang mga pagtatalaga ng estudyante sa loob ng ZSFG ay hindi kapapalooban ng kabayaran.

Listahan ng mga Responsibilidad ng Estudyante

Bago ang Pagtatalaga

  • Beripikahin kung ang iyong paaralan at programa ay nakalista sa Inaprubahang Listahan ng mga Paaralan at Programa.
  • Kung ang iyong paaralan o programa ay wala sa Inaprubahang Listahan, mangyaring hilingin sa iyong coordinator sa paaralan na kumpletuhin ang Student Placement Agreement Form.
  • Ang mga estudyante ay kailangang maghanap ng sarili nilang pagtatalagaan.
    • Kontakin ang mga kasalukuyang preceptor o tauhan ng ZSFG para sa pagkakaroon ng pagtatalagaan (sumangguni sa Listahan ng Kokontakin na Preceptor ng ZSFG).
  • Sa oras na matukoy mo ang oportunidad sa pagtatalaga, kumpletuhin ang Form ng Pagtatalaga ng Estudyante at direktang isumite ito sa iyong preceptor.

Pagkatapos ng Pagtatalaga

  • Kinakailangan sa Oryentasyon – Ang lahat ng estudyante ay kinakailangang kumpletuhin ang Online na Oryentasyon.
    • Mga klinikal na estudyante: Kailangan mong kumpletuhin ang module ng oryentasyon bago simulan ang iyong klinikal na rotation o pagtatalaga.
    • Mga hindi klinikal na estudyante: Kailangan mong kumpletuhin ang oryentasyon sa loob ng 30 araw ng iyong petsa ng pagsisimula.
  • Kailangan ng mga estudyanteng magbigay sa kanilang preceptor ng kopya ng Sertipiko ng Pagkumpleto. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa zsfg.elm@sfdph.org
  • Bukod dito, mangyaring magsumite ng nilagdaang kopya ng Karagdagang Oryentasyon ng Estudyante para sa COVID-19 sa iyong preceptor.
  • Kumpletuhin ang pagsasanay sa Pagkapribado at Pagsunod at isama ang kopya ng sertipiko ng Pagkapribado at Pagsunod.

Paaralan/Faculty (Mga Pang-akademikong Katuwang)

Kabilang sa mga paaralan ang mga unibersidad, kolehiyo, teknikal na paaralan, instituto, high school (16 o mas matanda pa) o community college na naghahandog ng mga oportunidad na pang-edukasyon o pagsasanay na magreresulta sa credit para sa mga naka-enroll estudyante.

Ang faculty ay mga instruktor o coordinator na nagtatrabago sa pang-akademikong programa upang magkaloob ng pagtuturo sa mga estudyante.

Listahan ng Gagawin ng Estudyante

  • Para sa mga estudyanteng itatalaga sa ZSFG campus, kailangan munang gumawa ang paaralan ng kasunduan.
  • Alamin kung ang paaralan at programa ay nasa inaprubahang listahan ng mga paaralan at programa (tingnan ang mga mapagkukunan).
  • Kung ang paaralan o programa ay wala sa Inaprubahang Listahan ng mga Paaralan at Programa, mangyaring punan ang Student Placement Agreement Form upang simulan ang proseso ng kasunduan.
  • Upang makita kung mayroong pagtatalagaan para sa iyong (mga) estudyante, repasuhin ang listahan ng mga kasalukuyang preceptor. Mangyaring tandaan: Kailangan mong makipag-ugnayan sa potensyal na Preceptor ng ZSFG (ang PDF na ito ay kakailanganing muling mai-upload sa ZSFG) nang direkta.

 

Mga Mapagkukunan para sa mga Pagtatalaga para sa mga Estudyante sa mga programang hindi nauugnay sa Nursing