Magbigay ng Donasyon

Maaari kang magbigay ng donasyon sa pamamagitan ng San Francisco General Hospital Foundation

Tungkol sa San Francisco General Hospital Foundation

Sinusuportahan ng Foundation ang mga tumutupad sa pangako ng pangangalagang pangkalusugan para sa lahat: ang mga frontline na manggagawa sa aming pampublikong ospital ng lungsod.

Naniniwala sila na ang bawat miyembro ng ating komunidad ay nararapat sa madaling pag-access sa napakahusay na pangangalagang pangkalusugan sa ZSFG.

Binuksan ng Foundation ang kanyang pinto noong 1993, na binigyang-inspirasyon ng matatapang na pagsusumikap ng mga tagapag-alaga sa ZSFG, at hatid ng layunin na magkaloob ng suporta para sa pampublikong kalusugan saanman ito kailangan—sa laboratoryo, sa klinika, at sa komunidad.

Sa halos tatlumpung taon, ang pagtutulungan sa pagitan ng Foundation at ZSFG ay sumalamin sa diwa at mga pagpapahalaga na naglalarawan sa San Francisco. Ekidad. Malasakit. Paggalang. At pagtuon sa pangangalaga para sa lahat ng nasa ating lungsod, kabilang ang pinakamahihina.

Magbigay ng donasyon

Suportahan ang primera klaseng pangangalagang pangkalusugan sa pampublikong ospital ng ating lungsod.