Ang Magnetic Resonance Imaging (MRI)

Imaging Gamit ang mga Magnet

Ang Magnetic Resonance Imaging (MRI) ay gumagamit ng mga magnetic wave upang kunan ng mga litrato ang iyong mga organo at estruktura sa loob ng katawan nang hindi gumagamit ng radyasyon.

Magnetic Resonance Imaging (MRI) Mga Lokasyon

Magnetic Resonance Imaging (MRI) Center

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 5 | 1st Floor

Mga Oras

Lunes: 7:30am - 5:00pm
Martes: 7:30am - 5:00pm
Miyerkules: 7:30am - 5:00pm
Huwebes: 7:30am - 5:00pm
Biyernes: 7:30am - 5:00pm

Primera klaseng Teknolohiya ng MRI

Mayroon kaming dalawang primera klaseng GE Signa 1.5T, v.15.0 magnet.

Paghahanda para sa Iyong Pagbisita

Kumain at inumin ang iyong mga gamot gaya ng karaniwan

Maliban kung binigyan kami ng mga partikular na tagubilin, kumain at inumin ang iyong mga gamot gaya ng karaniwan.

Pagsusuot ng damit na walang metal

Magsuot ng damit na walang anumang mga pansarang metal (mga zipper, butones, hook, snap) o mga metal na palamuti. Iwan ang anumang alahas sa bahay.

Alisin ang mga metal na bagay na hindi nakakabit sa katawan

Alisin ang anumang iba pang mga hindi nakakabit sa katawan na metal na bagay (mga hairpin, susi, barya, lighter para sa sigarilyo) at mga bagay na may mga magnetic stripe (mga ATM/credit card, ID/lisensya sa pagmamaneho).

Iwan ang mga gamit na may halaga sa bahay

Iwan ang iyong mga gamit sa iyong kasama o ilagay ang iyong mga ito sa isa sa aming mga locker.

Ipaalam sa amin ang anumang metal sa iyong katawan

Gayundin, mangyaring ipaalam sa aming receptionist o technologist kung mayroon kang anumang metal sa iyong katawan na mula sa surgery o anumang mga aksidente.

Kung mayroon kang claustrophobia

Kung mayroon kang claustrophobia (takot na malagay sa isang maliit na espasyo) at ang iyong doktor ay nagbigay ng gamot sa pagkabalisa para sa pagsusuring ito, ipapaalam namin sa iyo kung kailan ito iinumin.

Una munang tinitingnan ang mga pasyenteng may emerhensya

Dahil kami ang trauma center, ang mga pasyenteng pang-emerhensya ay maaaring mauna sa iyo, at maaaring matagal ang oras ng iyong paghihintay. Kung gayon, maaari kang muling magpaiskedyul para sa iyong appointment.