Alamin pa ang Tungkol sa ZSFG

Kami ang tumatanggap at nagpapagaling na kapaligiran. Naghahandog kami ng pinakabagong medikal na teknolohiya at mapagmalasakit na pangangalaga para sa lahat ng nangangailangan nito, anuman ang iyong sitwasyon.

Ang Zuckerberg San Francisco General Hospital and Trauma Center ay isang pangkomunidad na ospital at Level 1 na trauma center. Nakatuon kami sa pagpapabuti ng kalusugan at kagalingan ng aming komunidad. Nagkakaloob kami ng primera klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad at katayuang pang-imigrasyon.

Ang ZSFG ay:

  • Ang natatanging Level 1 Trauma Center sa mga San Francisco at Northern San Mateo.
  • Ang sentro ng pagresponde sa sakuna ng lungsod sa isang lindol at malaking krisis.
  • Patuloy na kinikilala para sa aming pinakamahusay na pangangalaga sa mga Sentro ng Kahusayan sa Neurotrauma, Stroke, at Orthopedics.
  • Ang nangunguna sa mundo pagdating sa pangangalaga sa HIV/AIDS.
  • Ang pinakamalaking ospital na pan-psychiatric na acute at panrehabilitasyon sa San Francisco.
  • Tahanan ng 20 sentro ng pananaliksik ng UCSF, na may mga badyet sa pananaliksik na lumampas ng $200 milyon kada taon.
  • Kami ang San Francisco Public Health.
  • Bahagi ng SF Health Network

Isang Pambuong-lungsod na Sistema para sa Kalusugan

Ang SF Health Network, na pinatatakbo ng San Francisco Department of Public Health, ay isang komunidad ng mga nangungunang klinika, ospital, at programa. Kabilang dito ang ZSFG, Laguna Honda, at mga klinikang pangkomunidad sa buong San Francisco. Ang lahat ng miyembro ng SF Health Network ay tinatanggap sa Zuckerberg San Francisco General.

Sa Komunidad

Maaari mo ring gamitin ang Zuckerberg San Francisco Genera kung tumatanggap ka ng pangunahing pangangalaga sa isa sa mga klinikang pangkomunidad na hindi bahagi ng SF Health Network.

Ang Heart of the City

Katulad ng sa ating lungsod, pinakamalaking lakas natin ang pagkakaiba-iba at pagiging ingklusibo.
  • Nagpaanak kami ng hene-henerasyon ng mga sanggol sa San Francisco.
  • Kami ang nangunguna sa pananaliksik at pangangalaga sa HIV/AIDS mula sa simula.
  • Ang ating mga doktor sa UCSF ay tinuturing na kasama sa mga pinakamahuhusay sa kanilang mga larangan sa mundo.
  • Ang ating ospital ay gumagamit ng pinakabago at pinakamahusay na teknolohiya.
  • Ang aming mga tauhan ay nakatuon sa pangangalaga para sa lahat ng taga-San Francisco.

Tuklasin kung sa anong paraan tayo nagiging puso ng San Francisco.

Ang Natatanging Level 1 na Trauma Center ng Lungsod

  • Mahigit 2,100 pasyente ng trauma ang ginagamot kada taon
  • 24 na oras na pangangalaga sa trauma
  • Mga trauma surgeon at espesyalista na laging nariyan.
  • Unang acute na ospital sa bansa na masertipikahan para sa Traumatic Brain Injury program

Ayon sa Bilang

  • 14 na klinika para sa pangunahing pangangalaga sa network ng San Francisco Health na pinaglilingkuran ng ZSFG.
  • Halos 100,000 pasyente ang pinaglilingkuran kada taon
  • 20+ wikang sinasalita.
  • 1872 ang nagbukas ng pinto sa San Francisco.
  • 1,200+ sanggol ang ipinapanganak kada taon.
  • 397 na may lisensyang higaan
  • 64,149 na indibidwal na ginamot para sa pang-emerhensya at pan-psychiatric na pangangalaga.
  • 44,887 pagbisita sa urgent care
  • 20 sentro ng pananaliksik ng UCSF ang nagsasagawa ng mahigit $200 milyon sa pananaliksik kada taon.

Mga Pinakabagong Update mula sa ZSFG