Mga Serbisyong Infusion

Mga infusion, IV, at iniksyon

Nagbibigay ang Outpatient Infusion Center ng Zuckerberg San Francisco General Hospital ng iba’t ibang infusion mula sa antibiotics, chemotherapy, immunotherapy, therapeutic phlebotomy, mga pagsasalin ng dugo, at mga paggamot na hindi chemotherapy. Pinangangasiwaan din namin ang mga iniksyon na SQ at IM at magkakaloob ng pangangalaga para sa mga sentral na linya.

Mga Serbisyong Infusion Mga Lokasyon

Infusion Center

Mga Oras

Lunes: 8:00 am - 8:00 pm
Martes: 8:00 am - 8:00 pm
Miyerkules: 8:00 am - 8:00 pm
Huwebes: 8:00 am - 8:00 pm
Biyernes: 8:00 am - 8:00 pm
Sabado: 8:00 am - 8:00 pm
Linggo: 8:00 am - 8:00 pm
Mga Holiday: 8:00 am - 4:30 pm

Ang aming team na mula sa maraming disiplina ay binubuo ng mga Provider (Mga Medikal na Oncologist, Surgeon, Nurse Practitioner, Physician Assistant, Rehistradong Nurse (RN) at Medikal na assistant (MEA), Cancer Navigator at iba pang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na nagkakaloob ng pangangalaga at edukasyon para sa ating pasyenteng tumatanggap ng paggamot. Nagkakaloob kami ng mapagmalasakit na pangangalaga sa pasyente at kumportableng lugar para sa aming mga pasyente.

Mga paggamot na hinahandog namin (sa pamamagitan ng appointment):

  • Chemotherapy
  • Immunotherapy
  • Antibiotics
  • Produkto / Mga Pagsasalin ng Dugo
  • Hydration / IV Fluids
  • Electrolyte replacement
  • Pangangalaga sa Port at PICC line
  • Mga iniksyong SQ (sa ilalim ng balat) at IM (sa kalamnan)