Transportasyon ng Empleyado

Ang mga empleyado ng ZSFG ay mayroong maraming sustainable na opsyon sa pagpasok sa trabaho na makakatipid sa oras, pera at makakatanggap ng stress sa pag-upo sa trapiko.

Pampublikong Transit

Muni

Ang campus ng Zuckerberg San Francisco General Hospital at Trauma Center ay siniserbisyuhan ng maraming ruta ng Muni: 9, 9R, 10, 19, 27, 33, 48, 90. Pumunta sa Muni para sa impormasyon sa ruta at iskedyul. Para sa iyong kaginhawaan, ang mga prediksyon ng NextBus ay isinasahimpapawid sa pamamagitan ng monitor sa pangunahin at pang-outpatient na lobby.

BART

Ang pinakamalapit na hintuan ng BART patungo sa Zuckerberg San Francisco General Hospital at Trauma Center ay ang istasyong 24th St. Mission. Pumunta sa BART para sa higit pang impormasyon, mga mapa, at iskedyul. Naghahandog ang ZSFG ng libreng shuttle na kumukonekta sa istasyon ng 24th St. Mission patungong ZSFG.

Mga Shuttle

Mga UCSF Shuttle

Nag-aalok ang UCSF ng libreng serbisyo ng shuttle sa mga campus sa buong lungsod, kabilang ang Zuckerberg San Francisco General. Ang serbisyong ito ay libre para sa mga pasyente, bisita at tauhan. Kunin ang Live Shuttle para sa segu-segundong impormasyon sa shuttle. Pumunta sa UCSF para sa higit pang impormasyon, mga mapa, at iskedyul.

ZSFG Shuttle

Nag-aalok ang ZSFG ng libreng serbisyo ng shuttle sa istasyon ng BART na 24th St. Mission sa mga abalang oras ng pag-commute. Ang serbisyong ito ay libre para sa mga pasyente, bisita at tauhan. Kumuha ng higit pang impormasyon, mga mapa, at mga iskedyul: I-download ang PDF.

Kailan ang susunod na shuttle?

Mag-online o i-download ang ZSFG shuttle app.

Online: us.fleetmatics.com; Android at Smartphone: “reveal manager”
Para sa pareho, username: zsfgshuttle@transmentro.com – password: zsfgshuttle

Parking ng Empleyado

23rd Street Parking Garage

Ang pampublikong parking garage, na matatagpuan sa 2500 24th St. patawid mula sa ospital, ay pag-aari ng SF Municipal Transportation Agency at pinatatakbo ng LAZ Parking. Lilimitahan ng ZSFG ang buwanang parking sa garage parking batay sa kapasidad at mga release permit habang mayroon nito. Tatanggapin ang mga aplikasyon sa permit at idadagdag sa listahan ng mga naghihintay. Ang mga tauhan na pumaparada sa garage kada oras at/o sa kalye ay hinihikayat na magparehistro para sa permit na gagamitin sa labas ng campus lot sa 295 San Bruno Avenue.

Pagparada sa Campus

Ang Pagparada sa Campus, bukod sa garage, ay pinahihintulutan sa pamamagitan ng LAZ Parking. Magbibigay ng mga permit sa Pagparada sa Campus batay sa kapasidad, at mga release permit habang mayroon nito. Tatanggapin ang mga aplikasyon sa permit at idadagdag sa listahan ng mga naghihintay. Ang mga tauhan na naghahanap ng mga alternatibong paradahan dahil sa pagkakaroon ng garage o paradahan sa campus ay hinihikayat na magparehistro para sa permit na gagamitin sa labas ng campus lot sa 295 San Bruno Avenue.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-apply, mangyaring makipag-ugnayan sa
LAZ Parking sa 415-874-4356 o sa pamamagitan ng email sa AWong@lazparking.com.

San Bruno Parking Lot sa Labas ng Site

Upang makatulong sa pagpapagaan ng kalagayan ng parking sa loob ng campus, nagpapaupa ang SFDPH ng parking lot sa labas ng campus isang milya mula sa campus ng ospital sa San Bruno Avenue at 16th Street.

Mayroong mga buwanang permit na mabibili ng mga tauhan, na nagpapahintulot ng pagparada sa mga oras ng 6 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Mayroong libreng serbisyo ng shuttle sa pagitan ng lot at ZSFG sa mga abalang oras kada 20 minuto, at tumatakbo ang UCSF shuttle runs sa tanghali sa mga hindi abalang oras (9:30 a.m. – 3:30 p.m.).

I-download ang pdf para sa higit pang impormasyon o kontakin ang Transmetro na nagpapatakbo sa lote sa: parking@transmetro.org o 510-830-5372. I-download ang aplikasyong pdf.

Parking sa labas ng site sa UCSF Mission Bay Tidelands Garages

Makakabili ang mga tauhan ng ZSFG ng buwanang permit sa parking sa parking garage sa labas ng site sa 590 at 600 Minnesota St. sa UCSF Mission Bay Tidelands (Z-TIDE) sa timog ng UCSF Mission Bay campus. Ang halaga ay magiging katulad ng halaga ng buwanang permit sa ZSFG garage at tataas sa parehong iskedyul tulad ng halaga ng ZSFG garage ganggang Setyembre 2021. Ang mga halaga sa hinaharap pagkatapos ng petsang iyon para sa mga Tidelands garage ay mapapailalim sa pagtataas.

Pumunta rito para mag-apply o makipag-ugnayan sa tanggapan ng transportasyon ng UCSF sa 415-476-1511.

Tandaan: Ang mga tauhan ng ZSFG na WALANG UCSF ID, o kung ang kasalukuyang ZSFG badge nila ay HINDI tumutugma sa mga reader sa campus ng UCSF Mission Bay, ay kakailanganing magbayad para sa key fob para ma-access ang pedestrian na pinto para sa garage. Ang halaga ng fob at ang mga detalye kung saan kakailanganin ng mga tauhan ng ZSFG (DPH at UCSF) na bilhin ay hindi pa isinasapinal.

Ridesharing, Carpool at Vanpool

Ang pakikihati sa sakay kasama ang iisang indibidwal lamang ay maaaring makabawas sa iyong gastos sa pag-commute ng kalahati at gamit ang mga vanpool ay matitipid ang mga benepisyong pre-tax. Pinili mo man na mag-carpool o mag-vanpool ng limang araw sa isang linggo kasama ang mga parehong tao o paminsan-minsang kasama sa sakay bilang driver o pasahero, maaaring kang itugma ng SF Environment Rideshare, 511, at Casual Carpool sa iba na gustong makihati sa sakay. Maaaring tumugma ang mga empleyado ng UCSF gamit ang MyCommute.

Ang mga bagong app ay naghahandog ng flexibility para sa one-way, balikan at paminsan-minsang carpooling. Alamin ang tungkol sa Scoop at Waze Carpool.

Ang mga sakay ng Lyft Line ay karapat-dapat na ngayon para sa mga tauhan ng UCSF para sa pagbabayad gamit ang iyong mga pre-tax na benepisyong pang-commuter.

Naghahandog na ngayon ang ZSFG ng Carpool Parking Program na nagpapahintulot sa mga tauhan ng ZSFG staff na masiyahan sa gustong espasyo sa parking sa 22rd St. Parking Garage at may diskwentong singil sa parking permit. Para sa higit pang impormasyon, pumunta rito.

Magbisikleta papunta sa Trabaho

Pagbibisikleta sa mababang halaga, mabuti sa kalusugan, at mapapanatiling mapagpipilian sa pag-commute. Mayroong mataas na seguridad na mga bike cage, locker, at paliguan sa campus. Upang magparehistro upang ma-access ang mga bike cage o magpareserba ng bike locker, mag-email sa transportation@sfdph.org. Ang bus at shuttle na papuntang campus ay mayroong mga bike rack.

Cmapusmap Withlables

Ang Bike Link

Mayroong on-demand na parking para sa bike locker sa ZSFG. Alamin pa sa BikeLink.

Paradahan para sa Malaking Bike

Ang bike parking para sa malalaking bisikleta, pampamilya at cargo bike, ay available sa Building 20. Ang malalaking bike ay laging mailalagay sa mga bike cage.

Ang Fix-It Station

Matatagpuan sa tabi ng mga pinaglalagyan ng bisikleta sa labas ng Building 5 sa south entrance, ang fix-it station at naghahandog ng mga kagamitan sa pagkukumpuni at air pump.

Ang Ford GoBike

Makukuha ang Ford GoBike sa ZSFG sa 23rd Street sa San Bruno Avenue. Ang mga empleyado ng Lungsod at County ng San Francisco ay makakakuha ng diskwentong $25 sa taunang membership sa Ford GoBike!

Upang mag-sign up (SFDPH at SFDPW lamang), bumisita sa member.fordgobike.com/group/sfd, ilagay ang password na: 89bh5, at ilagay ang iyong email address sa Lungsod para mag-enroll.

Ang UCSF Bikes!

Ang UCSF Bikes! ay isang forum sa pagbibisikleta na pinatatakbo ng mga tauhan. Makisalamuha sa mga nagbibisikleta, at lumahok sa komite. Sumali sa pag-uusap sa Chatter: Mag-sign in sa MyAccess, sa ilalim ng “applications,” i-type ang “Chatter”, mag-click sa “Chatter” hanapin ang “UCSF Bikes!”, Sumali sa grupo.

Ang SF Bike Coalition

Alamin ang mga patakaran sa daan, maghanap ng pinakamabuting ruta ng bisikleta, at matutunan kung paano maiiwasan ang pagnanakaw sa SF Bicycle Coalition.

Mga Paliguan sa ZSFG

Ikaw ba ay nagbibisikleta, naglalakad, nagdya-jogging, nagpapapawis at kailangang maligo sa trabaho? Ang ZSFG ay may dalawang paliguan sa campus para magamit ng empleyado.

Pagbibisikleta Patungo sa Trabaho at mga Mapagkukunan para sa Shuttle

Pre-Tax na mga Benepisyo ng Nagko-commute

Bawasan ang iyong gastos sa transit ng hanggang 40% sa pamamagitan ng pre-tax na pagbabayad para sa mga gastos sa transit tulad ng Muni, BART, Caltrain, SamTrans, Golden Gate Transit at mga ferry. Ginagamit ng mga empleyado ng Lungsod at County ng San Francisco ang Wageworks Commuter Card upang maitabi ang pre-tax na perang pipiliin mong ibabawas sa bawat suweldo. Ginagamit naman ng mga empleyado ng UCSF ang Commuter Check Direct. Magagamit ang mga card para bumili ng mga transit pass o i-link ito sa iyong Clipper Card.

Ang mga card ay para lamang mabayaran ang mga gastos sa transit. Kung ikaw ay pumarada at pagkatapos ay sumakay ng transit, maaari mong gamitin ang mga benepisyo para mabayaran ang parking sa isang istasyon ng Bart o Caltrain. Ang parking lot ay kailangang patakbuhin ng BART o Caltrain. Kailangan mo munang mag-enroll sa pretax na programa upang maging karapat-dapat para sa pag-enroll sa Parking Plan.

Isang libreng Clipper Card ang makukuha sa Lungsod at County ng San Francisco, isang pagtitipid na $3. Hilingin ang iyong card dito.

Mga Mapagkukunan ng mga Benepisyo ng Nagko-commute

Karagdagang Tulong

Escort ng Sheriff’s Department

Para sa iyong kaligtasan, ang Sheriff’s Department ng San Francisco ay nagkakaloob ng escort para sa empleyado sa mga sumusunod na lokasyon: istasyon ng BART sa 24th/Mission Street, kalapit na hintuan ng bus, parking lot, at sa iyong nakaparadang sasakyan.

Tumawag sa 415-206-8063, Lunes – Biyernes, 3p.m.-11p.m.

Ang Emergency Ride Home

Nagsimulang magkasakit sa trabaho? Walang carpool na sakay? Kailangang sunduin ang may sakit na anak sa paaralan? Na-flat ang gulong ng bisikleta? Ang mga nagko-commute na nagtatrabaho sa San Francisco na naglalakad, nagbibisikleta, sumasakay ng transit, nagka-carpool, nagba-vanpool patungo sa trabaho at nakaranas ng personal at pampamilyang emerhensya habang nasa trabaho, ay maaaring gamitin ang Emergency Ride Home at mabawi ang ginastos sa halaga ng sakay. Ang Emergency Ride Home ay libre sa mga empleyado at nangangailangan ng form para maibalik ang ginastos na may mga resibo. Ang UCSF ay may sariling programang Emergency Ride Home para maibalik ang ginastos.

Mga Mapagkukunan para sa Emergency Ride Home

Car Sharing

Ang kada oras na pag-upa ng sasakyan na nakabatay sa membership ay tinatawag na car sharing; ang car sharing ay nagbibigay-daan para iwanan mo ang iyong personal na sasakyan sa bahay at magkaroon pa rin ng access sa sasakyan kapag kailangan mo ito. Walang bayarin sa sasakyan, walang bayarin sa insurance sa sasakyan, kasama na ang gas at espasyong paradahan ang naghihintay sa iyo sa iyong pagbalik. Mayroong maraming car sharing na opsyon sa 23rd St. garage: ang mga Zipcar, Getaround, at Scoot car at scooter.

Maglakad Patungo sa Trabaho

Kung nakatira ka malapit sa ZSFG o sa pampublikong transportasyon, pag-isipan ang maglakad patungo sa trabaho. Walang gastos ito, hindi lumilikha ng polusyon, at hindi nangangailangan ng gasolina. Ito ay isang napakahusay na paraan para mag-ehersisyo at kumonekta sa iyong komunidad. Mataas ang ranggo ng komunidad ng ZSFG pagdating sa walking score. Tingnan ang mga resulta.

Ikaw ba naglalakad o nagdya-jogging at kailangang maligo sa trabaho? Ang ZSFG ay may dalawang paliguan sa campus para magamit ng empleyado.

Mga Diskwento sa Pagbili ng De-kuryenteng Sasakyan

Makukuha ang mga diskwento ng mga Estudyante, Guro, Tauhan at Retirado ng UCSF para sa pagbili ng de-kuryenteng sasakyan. Madalas magbago ang mga espesyal na promosyon. Tingnan ang page sa mga diskwento ng UCSF Sustainability para sa higit pang impormasyon.

Tungkol sa aming Programa ng Transportasyon sa ZSFG

Ang Programa ng Transportasyon ay nilikha upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagpaplano at pamamahala ng transportasyon ng mga tauhan, pasyente, at bisita. Ang Programa ay binubuo ng mga patakaran, insentibo, tools, at impormasyon upang suportahan ang mga empleyado sa paggawa ng mga mapapanatiling pagpipilian sa transportasyon para sa kanilang mga pagbiyahe.

Kabilang sa mga pangunahing layunin ng Programa ang:

  • Bawasan ang dalas ng mga taong nagmamaneho nang mag-isa sa campus
  • Gumawa ng tools na nakakatulong sa mga tauhan, pasyente, at bisita sa paggamit ng mga mapapanatiling uri ng transportasyon
  • Makipagtulungan sa mga katuwang na organisasyon at pamahalaan upang suriin, tugunan, at pagbutihin ang mga serbisyong pantransportasyon
  • Bawasan ang mga negatibong epekto ng mga ibinubuga ng sasakyan sa kapaligiran at kalusugan ng tao
  • Nagtataguyod ng abot-kaya at epektibong mapapanatiling transportasyon para sa komunidad at nagko-commute sa ZSFG
  • Ang Taunang Buod ng Programa ng Transportasyon, isang ulat hinggil sa mga aktibidad ng programa na inilalabas taun-taon ng San Francisci Department of Public Health (SFDPH, Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco) na kinabibilangan ng mga resulta at pagsusuri ng taunang survey sa pagbiyahe ng empleyado.

Taunang Buod ng Programa ng Transportasyon ng ZSFG

May mga katanungan tungkol sa transportasyon?

Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa transportasyon bilang empleyado ng ZSFG, mangyaring mag-email sa transportation@sfdph.org.