Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Nagsusumikap kaming magkaloob ng pinakamahusay na posibleng pangangalaga sa panahon ng pandemyang COVID-19. Ginagawa namin ang mga kinakailangang pag-iingat upang mapanatili kang ligtas at ang aming mga tagapagkaloob ng pangangalaga.
Manatiling naka-update sa pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19.
Upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 at ang mga epekto nito sa kalusugan at lipunan, ang ligtas at mabisang bakuna ang pinakamahalagang interbensyon upang mapanatili ka at ang iyong pamilya na malusog at ligtas.
Mayroo na ngayong mga librang bakuna at bivalent na booster sa lahat na nasa edad na anim na buwan at mas matanda pa.
Ang mga magulang at tagapag-alaga ay maaaring magpa-appointment gamit ang mga tagubilin sa kanilang sistemang pangkalusugan, o website ng parmasya.
Kabilang sa iba pang mga mapagkukunan para sa mga appointment para sa bakuna ang website ng estado para sa pagpapa-appointment para sa bakuna, ang myturn.ca.gov at ang website ng Lungsod, sf.gov/getvaccinated.
Kung nakakaranas ka ng mga sintomas, agad na magpasuri. Kung nagkaroon ka ng kilalang pagkahantad, aabutin ng hindi bababa sa dalawang araw o higit pa para matuklasan ang virus. Magpasuri ng 3 hanggang 5 araw pagkatapos mong mahantad. Mayroong pagsusuri sa iba’t ibang lokasyon sa San Francisco.
Kung nasurian kang positibo sa COVID-19, may mga hakbang kang magagawa upang maiwasan ang mahawaan ang iba, kabilang ang pagbubukod ng sarili sa bahay at paglilimita ng pakikisalamuha sa iba.
Ang aming team ay gumagawa ng mga partikular na pag-iingat upang mapanatili ka at ang iyong mahal sa buhay na ligtas habang nasa ZSFG. Naglagay kami ng mga restriksyon na itinakda para sa mga bisita. Ang mga restriksyong ito ay maaaring magbago habang nagbabago ang katayuan ng COVID-19 sa ating komunidad. Naaangkop din ang mga patnubay sa mga tauhan ng DPH at tagapagpatupad ng batas.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website