Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Mataas na kalidad na pediatric na pangangalaga para sa mga sanggol, bata, at teenager.
Ang Children’s Health Center ay nagkakaloob ng komprehensibo at mataas na kalidad na pediatric na pangangalaga para sa mga bata mula kapanganakan hanggang sa edad na 21. Ang mga serbisyong pangkalusugan ng mga bata ay kinabibilangan ng pangunahing pangangalaga para sa mga bagong panganak at sanggol, bata, at teenager ng 6 na araw kada linggo kabilang ang sa gabi at tuwing Sabado.
Ang komprehensibong pediatric na urgent care ay available ng 7 araw kada linggo kabilang ang sa gabi at karamihan sa mga holiday (maliban sa Thanksgiving, Pasko, at Bagong Taon) sa Children’s Health Center sa batayang drop in para sa lahat ng bata anuman ang kaugnayan sa klinika.
Mayroon kaming espesyalisadong pangangalaga para sa mga indibidwal na nasa edad na 12 hanggang 24.
Nagkakaloob din kami ng on-site na may espesyalidad na pangangalaga sa mga bata para hika, cardiology, dermatology, developmental pediatrics, neurology, urology, labis na katabaan/pamumuhay na mabuti sa katawan, at pag-alis ng tattoo. Ang iba pang mga espesyalidad ay maaaring available sa ZSFG sa pakikipagtulungan sa ating mga medikal na kasama para sa nasa hustong gulang.
Bukod sa pangkalahatang pediatric na pangangalaga, naghahandog kami ng katangi-tanging programa ng pediatric na may espesyalidad na pangangalaga at mga espesyalisadong serbisyo.
Tinatanggap ang bawat isa. May mga tauhan kaming nagsasalita ng mga wikang ito.