Mga Proyekto sa Campus

Upang magkaloob ng primera klaseng pangangalaga at kaligtasan sa pasyente sa Zuckerberg San Francisco General, ang campus ay sumasailalim sa ilang malalaking proyektong konstruksyon.

Ang Zuckerberg San Francisco General ay tahanan sa mahigit 150 taon na arkitektura ng pangangalagang pangkalusugan. Ang aming mga pasilidad sa campus ay iba-iba mula sa mga makasaysayang laryong gusali na itinayo noong 1887 at 1915, hanggang sa aming bagong inpatient na ospital na nagsimulang maglingkod sa mga pasyente noong 2016. Ang aming pinakabagong mga proyekto ng konstruksyon ay pinopondohan sa pamamagitan ng Bono sa Kalusugan at Kaligtasan ng Publiko sa 2016 ng lungsod, pati na rin ng iba pang mga pampubliko at pribadong pinagkukunan, kabilang ang San Francisco General Hospital Foundation.

Inia-update ng ZSFG ang campus nito upang ipagpatuloy ang pagpapabuti ng serbisyo para sa ating mga pasyente sa kasalukuyan at para sa darating na mga henerasyon. Ang mga pag-upgrade sa mga pasilidad, gusali, at imprastraktura ay makakatulong sa ZSFG na maghanda para sa hinaharap, mapabuti ang pag-access sa pinag-uugnay na pangangalagang pangkalusugan, at magkaloob ng espasyong nakapaghihilom para sa ating mga tauhan at pasyente.

Kasama sa mga kasalukuyang pangunahing pagpapabuti ay ang mga serbisyo ng paglipat mula sa mga lumang gusali na maaaring hindi gumaganap nang mabuti sa panahon ng lindol patungo sa mga mas ligtas na isinamodernong gusali. Kasama sa iba pang gawain ang nagpapatuloy at kailangang-kailangang retrofit para sa lindol sa kongkretong pasilidad ng ospital na itinayo noong 1976, na kilala bilang Building 5, ang dating pangunahing ospital. Para sa retrofit, ang mga estruktural na bahagi ng gusali ay kasalukuyang sinusuportahan upang mapabuti ang pagtugon nito sa panahon ng malaking lindol.

Kasalukuyang Ipinatatayo ang Proyekto

  • Outpatient na Dialysis – Kapag nakumpleto, ang mga pasyenteng nangangailangan ng hemodialysis ay magkakaroon ng bago at modernong espasyo para sa paggaling.
  • Laboratoryo para sa Pampublikong Kalusugan – Kapag nakumpleto, ang pasilidad para sa dyagnostik na pagsusuri ay magkakaroon ng isang bagong-bagong lokasyon na ligtas sa lindol sa Unang Palapag ng Building 5.
  • Mga Pang-emerhensyang Pan-psychiatric na Serbisyo – kapag nakumpleto, ang bagong unit ay maglilingkod sa higit pang mga pasyente sa isang pasilidad na mas malaki at maliwanag na may sentralisadong istasyon ng nurse para sa pinabuting obserbasyon at nadagdagang bilang ng mga silid na pampakalma.
  • Family Health Center – Kasalukuyang nasa yugto ng pagpaplano at pagkuha ng permit, ang center, na kasalukuyang nagkakaloob ng mga serbisyo mula sa isa sa mga lumang laryong gusali ng ospital, ay lilipat sa Building 5, kung saan ang mga nasa hustong gulang, nagbibinata/nagdadalaga at bata ay tatanggap ng pangangalaga sa isang tumatanggap na kapaligiran na bago ang lahat ng muwebles at kagamitan.

Pag-retrofit ng Building 5 para sa Lindol

Ang Building 5 ay kasalukuyang inire-retrofit para sa lindol. Nagsimula ang gawain noong 2019 at maaapektuhan ang mahigit sa 200 lokasyon sa loob ng lahat ng pitong palapag ng gusali.

Bilang bahagi ng malaking pagsusumikap na ito, ang mga tauhan ng konstruksyon ay nagtatrabaho sa bawat palapag, na pinalalakas ang gusali. Ang Capital Team ay gumagawa upang mabawasan ang anumang mga epekto ng konstruksyon sa mga tauhan at pasyente.

Iba pang mga Upgrade sa Building 5:

  • Imprastruktura ng IT – Kasalukuyang ipinatatayo, kasama sa mga renobasyon sa Building 5 ang mga bagong closet para sa server na sumusuporta sa digital na network sa ospital, na nagtitiyak ng matatag na pagpapatakbo sa mga computer, mga database ng pasyente, at iba’t ibang sistemang pangkaligtasan.
  • Fire alarm at mga sprinkler – Kasalukuyang nasa yugto ng pagdidisenyo, ang mga upgrade ay isasamoderno ang mga alarm system at pagbubutihin ang kaligtasan sa ospital.
  • Mga sistemang elektrikal – Kasalukuyang nasa yugto ng pagdidisenyo, ang mga upgrade ay lilikha ng mas higit pang matatag na sistema na may higit na kakayahang mapamahalaan ang distribusyon ng kuryente at tutulong kapag nawala ang kuryente.

Mga Nakumpletong Pag-upgrade at Paglipat ng mga Klinika

UCSF Pride Hall

Ang bagong limang palapag na gusali para sa pananaliksik at akademiko ng UCSF na matatagpuan sa timog-silangang kanto ng campus ay pinalalakas ang matagal nang pakikipagtulungan ng ZSFG sa unibersidad. Inililipat ng UCSF faculty ang mga tauhan at pagpapatakbo sa laboratoryo mula sa mas lumang mga laryong gusali sa campus sa bagong pasilidad na ito na nagtatampok ng may espesyalidad na mga laboratoryo para sa pananaliksik, pasilidad para sa biochemical na pagsusuri, at pasilidad para simulation surgical training.

Ang 175,000 talampakang kuwadradong gusali ay magiging bagong tahanan ng UCSF Community and Clinical Research Center at ng mahigit 800 propesor, tauhan, at trainee ng UCSF sa pakikipagtulungan sa ZSFG upang maipatupad ang ating magkatulad na misyon sa pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng pananaliksik at pagsasanay sa susunod na henerasyon ng mga medikal na propesyonal.

Paglipat ng mga Serbisyo ng Rehabilitasyon

Noong 2022, lumipat ang mga Serbisyo ng Rehabilitasyon mula sa unang palapag ng Building 5 patungo sa isang maliwanag, bago, at mas malaking lokasyon sa ika-3 palapag. Nagsasagawa ng kasindami ng 60,000 inpatient at outpatient na sesyon kada taon, may espasyo na ngayon ang departamento na nagtataguyod ng pagsusumikap ng mga tauhan ng departamento at mga pasyenteng pinaglilingkuran nila.

Proyektong Pangkaligtasan sa Mezzanine

Noong 2021, nagdagdag kami ng salamin na pangharang sa pagitan ng daanan na may taas na pitong talampakan sa mezzanine at balkonahe kung saan makikita ang lobby ng bagong Building 25 upang mapaigting ang kaligtasan. Ito ay bahagi ng mga pagsusumikap para mapaganda ang Building 25.

Urgent Care Center para sa Nasa Hustong Gulang

Noong 2019, ang Urgent Care Center para sa Nasa Hustong Gulang ay lumipat mula sa Building 80 patungo sa unang palapag ng Building 5. Pinabuti ng proyekto ang pag-access sa pangangalaga para sa mga pasyente at pinalawak ang espasyo ng klinika.

Mga Update na Pangkomunidad

Manatiling may kaalaman sa mga kapital na proyekto sa Zuckerberg San General sa pamamagitan ng pagsubaybay sa amin sa Facebook, Twitter, Instagram at Linkedin.

Mga Update sa mga Proyekto ng Campus