Pangangalaga sa Adiksyon

Suporta sa Paggamit ng Substansya

Ang paggamit ng substansya ay nakakaapekto sa lahat ng uri ng tao. Ang aming nakaakmang pangangalaga ay nagreresulta sa mga positibong pagbabago. Ang paggamit ng substansya ay nakakaapekto sa maraming pasyente at kanilang mga pamilya. Nagkakaloob kami ng kadalubhasaan, pangangalaga, at atensyon upang mapabuti ang mga resulta.

Paano Kami Makakatulong

Galugarin

Tumutulong kami sa panahon ng at pagkatapos ng mga pag-emerhensyang pagbisita at pagkakaospital upang makahanap ng pabahay, matutuluyan, o pagkain na maaaring kailanganin ng pasyente.

Unawain

Nais naming maunawaan ang mga layunin, motibasyon, at kahandaan sa pagbabago ng aming pasyente. Tinutuklas din namin ang mga dahilan sa paggamit ng substansya.

Tasahin

Sinusuri at dina-diagnose namin ang paggamit ng substansya na hindi mabuti sa kalusugan. Pagkatapos ay naghahandog kami ng mga naaangkop na serbisyo na tumutugon sa mga layunin ng pasyente.

Paggamot

Naghahandog kami ng mga serbisyo sa adiksyon tulad ng gamot, harm reduction, pagtatalaga sa residensyal na pasilidad, at edukasyon.

Komunidad

Iniuugnay namin ang mga pasyente sa pangangalagang pangkalusugan at paggamot sa adiksyon sa komunidad. Kabilang dito ang mga residensyal at iba pang mga programang nakabase sa komunidad/

Alisin ang estigma

Sinusubukan naming mabawasan ang estigma at mga pinsala sa paggamit ng substansya. Ginagamit namin ang komunikasyong nakasentro sa tao at mga kuwento ng pasyente upang mabawasan ang estigma sa mga provider at tauhan.