Acute Care for Elders (ACE)

Pangangalaga para sa matatanda at tumatanda

Paggamot at rehabilitasyon para sa matatanda na nakapokus sa pagbabalik sa buhay sa tahanan.

Acute Care for Elders (ACE) Mga Lokasyon

Klinika para sa Acute Care for Elders (ACE)

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 25 | 7th Floor

Mga Oras

Lunes: 12:00am - 11:59pm
Martes: 12:00am - 11:59pm
Miyerkules: 12:00am - 11:59pm
Huwebes: 12:00am - 11:59pm
Biyernes: 12:00am - 11:59pm
Sabado: 12:00am - 11:59pm
Linggo: 12:00am - 11:59pm
Mga Holiday: 12:00am - 11:59pm

Tungkol sa Amin

Ang Acute Care for Elders (ACE) Unit sa Zuckerberg San Francisco General ay sinimulan noong Pebrero, 2007. Pinangangalagaan namin ang mahigit 1,000 matatandang pasyente kada taon. Ito ang kauna-unahang ACE unit sa California. Misyon namin ang magkaloob ng pinakamahusay na inpatient na pangangalaga para sa mga naospital na mas matatandang nasa hustong gulang. Nakatuon kami sa pagpapanatili at pagpapabuti ng pagganap ng pangangatawan at pag-iisip. Ang ACE unit ay ang pangunahing site ng pagtuturo hinggil sa Pagtanda sa UCSF para sa mga medikal na estudyante, intern at residente, at Geriatrics fellow.

Bumabalik sa Pamumuhay

Ang pagkakaospital ay isang mapanganib na panahon para sa matatanda. Kilala ng marami sa atin ang mga matatandang kamag-anak o kaibigan na hindi na katulad ng dati pagkatapos maospital. Maaaring mas mahina ang mga pasyente o nahihirapang mapamahalaan ang kanilang mga gawain pagkatapos. Maiiwasan natin ang ilan sa mga paghina na ito. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pamamaraang nakatuon sa pasyente at isinasagawa ng team. Gumagamit ito ng pinakamahusay na ebidensya sa paggabay sa pangangalaga.

Isinasakatuparan ito ng Acute Care for Elders (ACE) unit sa pamamagitan ng:

  • isang team na mula sa iba’t ibang disiplina sa kapaligirang nakapokus sa pangangalaga sa matatanda.
  • ekspertong pagrerepaso sa gamot Inaalis namin ang mga hindi kinakailangang gamot at tinutukoy ang mga potensyal na side effect sa gamot o interaksyon ng gamot.
  • Mga interbensyon sa pagpapanatili ng kalusugan ng pangangatawan at pag-iisip. Kabilang dito ang ehersisyo, pakikisalamuha, at pokus sa kalinisan sa pagtulog.
  • maagang pagpaplano sa paglabas ng ospital. Ginagawa nitong matiwasay ang paglipat sa tahanan hangga’t maaari.

Ang Iyong Team, Ang Iyong Kalusugan

Kada umaga, tinitingnan ang mga pasyente ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Kabilang dito ang doktor, nurse, occupational therapist, parmasyutiko, at social worker. Pagkatapos ay tinatalakay ng team na ito ang plano ng pangangalaga. Dala nila ang kanilang mga partikular na larangan ng kadalubhasaan para sa bawat pasyente. Patuloy na sinusuri ng team ang bawat pag-unlad ng mga pasyente hanggang sa makalabas ng ospital.

Ang ACE unit ay ibinabahagi ang kaalaman at kadalubhasaan nito sa acute care para sa matatanda sa iba pang mga unit sa buong Zuckerberg San Francisco General sa pamamagitan ng mga sesyon na pang-edukasyon.

Ang Nasa Balita

Profile ng ACE Unit

Sumulat ang SF Chronicle ng artikulo tungkol sa tagumpay ng aming gawain na tumutulong sa matatanda.

Mga Update tungkol sa Acute Care for Elders (ACE, Masusing Pangangalaga para sa Matatanda)