Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
2022
Mula sa maliit na simula bilang isang maliit na estrukturang gawa sa kahoy hanggang sa malawak na campus na alam natin sa kasalukuyan, ang ZSFG ay nanatiling handa at nasa unahan. Nagkakaloob kami ng pangangalaga sa pamamagitan ng maraming malalaking makasaysayang likas na sakuna sa at krisis na pangkalusugan sa ating lungsod. Ngayon, mahigit 150 taon ang lumipas, patuloy tayong nangunguna sa pananaliksik sa inobasyon sa kalusugan. At nagkakaloob kami ng mapagmalasakit na pangangalaga para sa buong indibidwal at buong lungsod kasama ang San Francisco Department of Public Health. Salamat, San Francisco
2020
Sinalanta ng pandemyang Coronavirus ang mundo. Kumikilos ang ZSFG sa pamamagitan ng pagtulong sa lahat ng nangangailangan. Kami ang mapagkukunan para sa kritikal na kalusugang pampubliko para sa impormasyon, pangangalaga, at pamamahagi ng bakuna sa San Francisco.
2016
Noong 2016, nakumpleto ang konstruksyon ng aming bagong pasilidad. Sa kasalukuyan, pinangangalagaan ng Zuckerberg San Francisco General Hospital at Trauma Center ang 20% ng lahat ng taga-San Francisco.
2008
Ipinasa ng 84% ng mga botante ng San Francisco ag Proposisyon A upang ipatayo ang bagong acute care at trauma center sa orihina sa lugar ng ospital. Noong 2011, inilunsad ng San Francisco General Hospital Foundation ang Heart of Our City Capital Campaign para lumikom ng mga pondo.
1981
Ang unang kaso ng AIDS ay nakumpirma sa San Francisco General Hospital. Binuksan ng ospital ang Ward 58, ang kauna-unang inpatient unit para sa AIDS sa US, at ang Ward 86, ang kauna-unahang klinikang outpatient na nakatuon sa AIDS – na nagtatakda ng pamantayan sa mundo para sa pangangalaga at paggamot sa AIDS.
Larawan Mula sa Pangkasaysayang Archives ng San Francisco General Hospital
1972
Ang San Francisco General Hospital ang nagsimula ng trauma care at, noong 1972, ay natanggap ang pagtatalaga nitong Federal Trauma Center, kung saan ito ginanap mula noon.
1930
Ang ospital ay nagkakaloob ng 75% ng lahat ng pangangalaga sa ospital para sa mga Taga-San Francisco na hindi kayang magbayad – sa mga tauhang propesor ng UCSF, house staff ng mga batang doktor, undergraduate o postgraduate na estudyante ng nursing, at 150 boluntaryo.
Larawan na Mula sa San Francisco History Center, Pampublikong Aklatan ng San Francisco
1906
Nagkaroon ng Malaking Lindol sa San Francisco noong ika-18 ng Abril – na nagwasak sa 80% ng lungsod at pumatay sa 3,000 katao. Sa kabutihang palad, nakaligtas ang ospital ay naging “isang Mecca kung saan ang lahat ng may sakit at napinsala, anuman ang kanilang sitwasyon, ay humingi ng masisilungan at paggamot.”
1872
Ang unang opisyal na Ospital ng Lungsod at County ay itinayo sa kasalukuyang lokasyon ng Potrero Avenue. Noong 1873, sinimulan ng ospital ang kasunduan nito sa UCSF.
1849
Bago ang Pagdagsa dahil sa Ginto, ang San Francisco ay isang maliit na komunidad. 850. Sa oras na madiskubre ang ginto, agad na nagbago iyon. Biglang dumami ang populasyon ng lungsod at gayon din ang mga problema sa kalinisan at laganap na sakit, kabilang ang cholera, tuberkulosis, mga lagnat, at smallpox.