Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Umaasa kami sa malaking suporta at pakikilahok ng komunidad upang maisagawa ang misyon. Matutulungan mo kaming gumawa ng tunay na pagkakaiba.
“Karamihan sa mga taga-San Francisco ay hindi alam ang tungkol sa napakagandang gawain na nangyayari sa ospital araw-araw. Sa oras na ikaw ay makibahagi gaya ng ginagawa ko, mapupukaw lang ng ospital ang iyong puso.”
Sa pamamagitan ng iyong bukas-palad na donasyon, nakakapaghatid kami ng napakahusay na pangangalagang pangkalusugan at serbisyo sa trauma sa sinumang nangangailangan.
Alamin pa ang tungkol sa pagbibigay sa pamamagitan ng San Francisco General Hospital Foundation.
Suportang Donasyon sa SFGHF Allison Arden Direktor ng mga Pangunahin at Pang-indibidwal na Regalo Email
Ang mga boluntaryo ay mahalagang bahagi ng mapagmalasakit, komprehensibo, at nakakatipid na pangangalaga ng pasyente sa ZSFG.
Tumulong na matugunan ang mga pangangailangang emosyonal, panlibangan, panlipunan, at medikal ng ating mga pasyente. Pahusayin ang kalidad ng ating pangangalaga at ang pangkabuuang karanasan ng pasyente.
Volunteer Services 628-206-2444 Email
Alamin pa ang tungkol sa kung paano mo kami matutulungan sa pagsuporta sa mga tumutupad sa pangako ng may ekidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat sa pampublikong ospital ng San Francisco.
Ang proyektong Hearts in San Francisco ay nagsimula noong 2004 na may 131 eskultura ng puso na nilikha upang mapakinabangan ng mga programa sa ZSFG. Sa kasalukuyan, ang bagong hearts ay ginagawa, inio-auction at ibinibenta kada taon upang makalikom ng mga kritikal na pondo para sa pampublikong kalusugan sa San Francisco. Daan-daang Hearts ang nakalikom ng milyon-milyong dolyar upang suportahan ang inobasyon at mapagmalasakit na pangangalaga ng ZSFG.
Ang suporta ay nagmumula sa lahat ng hugis at laki. Hanapin ang iyong perpektong paraan upang gumawa ng positibong epekto sa mga buhay ng libo-libong nagpapasalamat na pasyente.
Tingnan ang lahat ng Hearts at alamin pa ang tungkol sa kung paano masusuportahan ang ZSFG.
Ang mga boluntaryo ay itinatalaga sa mga hindi klinikal at klinikal na setting – na naghahandog ng mga oportunidad para tuklasin ang maraming aspeto ng ospital. Ang aming mga pinakapopular na posisyon ay nasa Emergency Department, Urgent Care Center, Operating Room, at Radiology.
Ang mga klinikal na boluntaryo ay kailangang magkaroon ng pauna nang isinaayos na kasunduan sa provider ng ZSFG at hindi naka-enroll sa akademikong programa.
Ang mga boluntaryo sa pananaliksik ay kailagang magkaroon ng pauna nang isinaayos na pagtatalaga sa pananaliksik.
Ang mga bisita ay maaaring mag-obserba o sundan ang mga empleyado ng ospital.
Tawagan ang Volunteer Services sa 628-206-2444 upang matuto pa.